Ang International Christian Academy o ICA kung tawagin ng mas marami ay isang paaralang may malinaw na pangitain (vision) at misyon (mission) na nais marating.
Nakasulat ito at nakapaskil sa dingding ng mga silid-aralan, mga opisna at pader ng paaralan upang palagi tayong paalalahanan sa kung ano ang minimithi ng paaralan.
Bibihirang paaaralan ang sa katotohanan na tuwing flag ceremony ang mga mag-aaral ay parang nagdarasal sa tuwing ilalahad ang memoryadong vision at misyon ng eskwelahan.
“Para ano, makatuturan ba ito? Bakit kailangan nating gawin ito? Sa totoo’y nakakabato” Iyan marahil ang tanong nang ilang matanong subalit hindi iyan ang mahalagang tanong.
“Ano ba ang naitutulong nito sa tuwing ginagawa ito sa pag-abot ng visyon at misyon?”
Nakatutulong ito sapagkat sa tuwing sinasabi nila ito ay kanilang natatanto na ang paaralan pala ay may visyon at layuning ganito hanggang sa maitanim sa isip nila iyon at palagi na nilang maaalala ang mga sinasabi doon at magiging gabay nila sa kanilang edukasyon.
Magulang, kanilang mga anak at guro sa paaralan. May hihigit pa ba sa tatlong ito sa isang paaralang kaya nga tinawag na paaralan ay upang dito mapag-aral ang mga anak nitong magulang na nagtitiwala sa kakayanan ng mga gurong magtuturo sa paaralan. Sila ang tatlong may mahahalagang papel na ginagampanan sa pagbuo ng isang paaralan.
Katungkulan ng mga magulang na papag-aralin ang mga anak sa isang mabuting paaralan samantalang nasa mga anak ang responsibilad na matuto at mag-aral mula sa mga ituturo ng guro sa paaralan na tumatayo bilang kanilang pangalawang mga magulang na may pananagutan sa kung ano man ang kanilang kahihinatnan sa loob ng kanilang paaralan.
Mahal natin ang ating paaralan at naniniwala tayo sa kanyang mga patakaran. Na ang Diyos ang unang dapat sa lahat ay batayan ng kagalingan, karunungan at kabanalan ng mga mag-aaral. Kaya nagtitiwala ang mga magulang na nagpapaaral sa ating paaralan.
Mangyayari ba ito kung walang ang mga gurong handang maglaan nang kanilang mga nalalamang paraan na batay rin sa paniniwala ng paaralan na turuan sila sa tamang daan. Mga gurong silang may mga kakayahan sapagkat ang Diyos rin ang sa kanila’y naglaan ng pagkakataong maging bahagi ng paaralan sila ang unang tagapagtaguyod ng bisyon at misyon nitong ating eskwelahan na sa awit sinasabi nating “Diyos ang sa atin’y naglaan.” “Dear ICA, God’s precious gift for us.”
Mga guro kayo ang hinirang na magturo kayo ang gabay ng mga mag-aaral sa pagkatuto. Hindi man kayo maging mga perpekto subalit laging hangad ninyo na maging epektibo. Sapagkat nababatid ninyo na kayo ang instrumento upang makamit ang mga pagbabago.
Kayo ang mga pinagkatiwalaang humubog sa mga kaisipang binubuo upang magkaroon ng matitino at matatalinong mag-aaral na magdadala sa mundo ng malalaking pagbabago.
Ang mga mag-aaral na sa kanilang paghayo ay may malilinaw na tinatanaw mula sa malayo na kung marating nila’y doon nga’y matatamo ang bunga ng visyon at misyong isinapuso --
Lumipas ang panahon at sila'y nagbalik sa paaralang kanilang tinangkilik,
at muling inawit ang himnong natitik (ICA hymn) sa puso nila ay naukit --
Subalit may lungkot nang kanilang hanapin mga guro nilang gusto sanang yakapin --
at pasalamatan sa anumang kanilang narating
natantong lumipas na ang maraming taon sa binalikang kahapon ay wala na roon
at bagama't nagpatuloy sa kanilang paghayo sa puso nila'y may munting siphayo
Ang 'di nila alam mula sa malayo nakatanaw sa kanila ang hinahanap na guro
nagpapasalamat sa Diyos, masaya ang puso't loob sa bagay na sa kanila'y ipinagkaloob
gusto man ding yakapin kung sana'y naroon pa rin nanatili na lamang na sa kanila'y tumingin
at saka bumulong ng dasal na taimtim
na lalo pang gabayan at pagpalain
ang mga mag-aaral at ang paaralang--
minahal at hindi kailanman nilimot
_____________________________
kinatha: marso 13, 2010
para sa minahal na paaralan at mga mag-aaral
mababasa rin ito sa aking mga tala sa:
facebook.com/ryanbdelacruz28
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento