Martes, Agosto 31, 2010

MAYO UNO

Ang araw na ito ay mahalaga
sa isang gaya kong manggagawa
Huwag sanang ang maging akala
ang araw na ito ay balewala

Ang katotohanan hindi man maramdaman
ang kahalagahan mula sa ating pamahalaan
Ang araw na ito ay pandaigdigan
manggagawa'y binibigyang karangalan

Gaano man kahirap ang pinagdaraanan
ng mga manggagawang naninilbihan
Dugo't pawis na kanilang puhunan
sa araw na ito ay pinahahalagahan

MABUHAY ANG LAHAT NG MANGGAGAWA
maliit man o malaki ang ginagawa
Ang MAYO UNO ay laan sa inyo
Pagkilala't pasasalamat, pagpupugay sa iyo!


___________________________
MAYO UNO

Sabado, Mayo 01, 2010 nang 1:43 ng umaga

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento