Hindi ako magtatangkang magaling sa pagsasabing si ERAP ang pinakamagaling subalit ang akin lamang gustong hilingin ang munti kong pananaw ay inyo ring dinggin
Lahat naman tayo’y naniniwalang kailangan na nating marating ang pagbabago sa bansang minamahal natin at ang halalang paparating ang siya nawang maging susi natin
Kagaya rin ako ng mga kababayan natin na may isang boto lamang na ipararating at kung sino man ang aking piliin ay dahil iyon sa aking paningin na ang pangulo na aking hahalalin ay magiging karapat-dapat sa bansa natin
BAKIT SI ERAP ‘yan ang tuwirang tanong sa akin, kaibigan, kamag-anak, kasamahan at nakakikilala sa akin
BAKIT SI ERAP na parang kung minsan ay may pagtuya at ngumingisi-ngising nagtatanong sa akin
BAKIT SI ERAP na para bang gustong sabihin na hindi ka ba nag-iisip ng malalim
BAKIT SI ERAP na ang akala mo ay siya na ang pinakamasamang naging pangulo natin
At habang papalapit na ang eleksyon natin ay mas lalo ko namang nadarama ang sidhi ng pangangailangan natin sa isang pinuno na gusto nating mahalal na pangulo sa bansa natin
Iba’t- ibang kulay ang nakikita natin palatandaan ng mga nangangandidato sa atin kung saang partido sila at kung ano at sino ang iniindorso sa atin
Nangingibabaw raw ang dilaw at orange sa panahon natin subalit pahiwatig na ba ‘yan na siguradong-sigurado na sila nga ba ang magwawagi sa halalan natin
EH BAKIT NGA SI ERAP ang tanong na naman sa akin na patawa-tawa na ang dating
WALANG MAHABANG SAGOT AKONG IPINARATING
” KUNDI SI ERAP ANG TALAGANG KAILANGAN NATIN!”
BAKIT NGA? E, SAPAGKAT PARA SA AKIN SIYA LAMANG ANG MAS MAAASAHANG TUTUPAD NA SA MGA SALITA AT PANGAKONG BINIBITIWAN SA ATIN
Marami silang sinasabing gagawin kabilang na si Erap na dating naging pangulo na natin
ngunit ang lahat ng ito ay pawang pangako pa lamang sa atin na gagawin iboto lang natin
Ang sabi ng isang matandang kasabihan sa atin “Ang karanasan ang pinakamabuting tagapagturo natin” at kung iyan ay ating pakalilimiin na sa lahat ng tumatakbo ngayon sa panguluhan natin walang iba pang makapagsasabing makahihigit sila kay ERAP na naging pangulo na natin na kaya bumaba sa pagkapangulo ay hindi sa totoong napatalsik natin kundi dahil mas pinairal niya ang puso’t damdamin sa pagmamahal niya sa mga kababayan natin at sa bansang higit na masasaktan sa loob at labas ng bayan natin
Nagtangka man siyang pigilin ang pag-aaklas na lumakas at kung kailangan ay gagamitan din ng dahas subalit ng makitang maraming buhay ang maaaring mawaldas kaya ang pinairal ay ang pagsunod sa batas upang hindi na maging marahas ang bayang sa kaniya'y nag-aaklas
SI ERAP AY BUMABA SA PAGKAPANGULO DAHIL HINDI SIYA KAGAYA NG KASALUKUYANG PANGULO NA LUMAKI NA ANG ULO SA PAGIGING PANGULO AT GAGAWIN ANG LAHAT NAGKAKAGULO-GULO NA TAYO ANG MAHALAGA AY SIYA LANG ANG PANGULO gamit ang kapangyarihan mapigilan lang tayo manatili lamang sa kaniyang pwesto!
Si Erap lamang ang tanging naging pangulo na hinarap ang totoong hamon ng mga Pilipino – kung kinakailangang umalis ka sa pwesto – aalis siya upang hindi magkagulo
Nagpasakop siya sa batas ng tao sumunod sa tamang proseso Inakusahan at tinaggap ang mga ikinaso nagpakulong kung kailangan upang ipakitang siya ay seryoso na ang batas ay hindi lamang sa mga inabuso kundi maging sa mga inaakusahan ng pang-aabuso; mahirap-mayaman ay walang sinisino
At pinalaya ayon sa pasya raw ng huwad na pangulo na ginawa ito upang magpakitangtao subalit ang hindi nila napagtanto na ang bagay na ito ay malinaw na nakapagsiwalat ng totoo
Totoong-totooo na si Erap ay kanilang ginagago hindi dahil mahina talaga ang kaniyang ulo kundi inabuso ang katapatan nito at pagiging makatotohanan sa lahat ng ginagawa nito Sapagkat si Erap ay nagsilbi ng totoo at babanatan niya ang mga paloko-loko kaya inunahan na siya ng mga ito
Sino sa mga tumatakbo ngayon sa pagkapangulo ang nagdanas na ng ganito di ba sila man ngayon ay inaakusahan ng kung anu-ano pero may nakagawa ba sa ginawa na ni Erap noon? Nagpakatotoo at hinarap ang mga ibinabato bumaba sa pwesto upang hindi magkagulo! Hindi lamang sa salita pinatunayan ito kundi maging sa bukas na buhay niya sa publiko
Ano pa ba ang maaring itago ni Erap sa puso kung ang tila pinakamasasakit at malupit na pagtrato ay naranasan na nito ? Naniniwala akong sapat na sapat ang kaniyang pagkatao upang patunayang siya ay maglilingkod ng totoo! Kung sa edad niyang naabot ay magpaloko-loko pa ito anumang oras si Erap ay maari’t madaling maglalaho dahil hindi tayo magpapaloko
Ngunit ang mga karanasang kaniyang nahango ay sapat upang siya ay muling maging pangulo dahil ang buhay ni Erap ay pampubliko at hindi matatawaran ni matatapatan ng kalabang politiko
________________________________________
kinatha sa panahong bago maghalalan 2010
Lunes, Abril 12, 2010, 1:19:01 ng tanghali
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento