Huwebes, Setyembre 2, 2010

veintiocho julio 1977

"Isinilang ako sa sangmaliwanag noong taong isang libo't siyam na raan pitumpu't pito at dito sa mundo'y naging ako." Tatlumpu't tatlong taong gulang na ako.

Julio veintiocho ng ako ay isilang.Muli akong sumapit sa aking kaarawan. Ngunit ang araw na iyon ay hindi naiba sa karaniwan at para lamang ordinaryong araw na nagdaan.

Sa pagsapit ng ikalabindalawa sa aking orasan ay gising pa ako't nagkokompyuter sa aking silid tulugan. Hindi inaantok, nakaonline sa Facebook, nagbabasa, nagsusulat. Sumapit ang ika-1,2, 3, 4 hanggang 5 ng madaling araw marahil sa haba ng aking itinulog sa sinundang araw kaya gising na gising pa ako madaling araw na't kaarawan ko, tatlumpu't tatlong gulang na ako. Paisa-isa muna hanggang sa paparami ng paparami ang mga bumabati,sa text at Facebook isa-isang nagpahatid.

Naging ugali ko na ang magdasal kahit anong oras ko itong maisipan kahit may ginagawa ay natitigilan, luluhod pa kung kinakailangan sa panahong bagabag ang nararamdaman gaya noong aking kaarawan.

Kung bakit at ano ang mga dahilan ay hindi pa handang ngayon isulat ang aking mga nais na isiwalat mga karanasang binalikan sa isipan at sa puso'y muling naramdaman. Mula veintiocho julio taong isang libo't siyam na raan pitumpu't pito hanggang kasalukuyan.

________________________________
kinatha: Huwebes, Agosto 5, 2010

Martes, Agosto 31, 2010

BAKIT SI ERAP?

Hindi ako magtatangkang magaling sa pagsasabing si ERAP ang pinakamagaling subalit ang akin lamang gustong hilingin ang munti kong pananaw ay inyo ring dinggin

Lahat naman tayo’y naniniwalang kailangan na nating marating ang pagbabago sa bansang minamahal natin at ang halalang paparating ang siya nawang maging susi natin

Kagaya rin ako ng mga kababayan natin na may isang boto lamang na ipararating at kung sino man ang aking piliin ay dahil iyon sa aking paningin na ang pangulo na aking hahalalin ay magiging karapat-dapat sa bansa natin

BAKIT SI ERAP ‘yan ang tuwirang tanong sa akin, kaibigan, kamag-anak, kasamahan at nakakikilala sa akin

BAKIT SI ERAP na parang kung minsan ay may pagtuya at ngumingisi-ngising nagtatanong sa akin

BAKIT SI ERAP na para bang gustong sabihin na hindi ka ba nag-iisip ng malalim

BAKIT SI ERAP na ang akala mo ay siya na ang pinakamasamang naging pangulo natin

At habang papalapit na ang eleksyon natin ay mas lalo ko namang nadarama ang sidhi ng pangangailangan natin sa isang pinuno na gusto nating mahalal na pangulo sa bansa natin

Iba’t- ibang kulay ang nakikita natin palatandaan ng mga nangangandidato sa atin kung saang partido sila at kung ano at sino ang iniindorso sa atin

Nangingibabaw raw ang dilaw at orange sa panahon natin subalit pahiwatig na ba ‘yan na siguradong-sigurado na sila nga ba ang magwawagi sa halalan natin

EH BAKIT NGA SI ERAP ang tanong na naman sa akin na patawa-tawa na ang dating

WALANG MAHABANG SAGOT AKONG IPINARATING
” KUNDI SI ERAP ANG TALAGANG KAILANGAN NATIN!”

BAKIT NGA? E, SAPAGKAT PARA SA AKIN SIYA LAMANG ANG MAS MAAASAHANG TUTUPAD NA SA MGA SALITA AT PANGAKONG BINIBITIWAN SA ATIN

Marami silang sinasabing gagawin kabilang na si Erap na dating naging pangulo na natin
ngunit ang lahat ng ito ay pawang pangako pa lamang sa atin na gagawin iboto lang natin

Ang sabi ng isang matandang kasabihan sa atin “Ang karanasan ang pinakamabuting tagapagturo natin” at kung iyan ay ating pakalilimiin na sa lahat ng tumatakbo ngayon sa panguluhan natin walang iba pang makapagsasabing makahihigit sila kay ERAP na naging pangulo na natin na kaya bumaba sa pagkapangulo ay hindi sa totoong napatalsik natin kundi dahil mas pinairal niya ang puso’t damdamin sa pagmamahal niya sa mga kababayan natin at sa bansang higit na masasaktan sa loob at labas ng bayan natin

Nagtangka man siyang pigilin ang pag-aaklas na lumakas at kung kailangan ay gagamitan din ng dahas subalit ng makitang maraming buhay ang maaaring mawaldas kaya ang pinairal ay ang pagsunod sa batas upang hindi na maging marahas ang bayang sa kaniya'y nag-aaklas

SI ERAP AY BUMABA SA PAGKAPANGULO DAHIL HINDI SIYA KAGAYA NG KASALUKUYANG PANGULO NA LUMAKI NA ANG ULO SA PAGIGING PANGULO AT GAGAWIN ANG LAHAT NAGKAKAGULO-GULO NA TAYO ANG MAHALAGA AY SIYA LANG ANG PANGULO gamit ang kapangyarihan mapigilan lang tayo manatili lamang sa kaniyang pwesto!

Si Erap lamang ang tanging naging pangulo na hinarap ang totoong hamon ng mga Pilipino – kung kinakailangang umalis ka sa pwesto – aalis siya upang hindi magkagulo

Nagpasakop siya sa batas ng tao sumunod sa tamang proseso Inakusahan at tinaggap ang mga ikinaso nagpakulong kung kailangan upang ipakitang siya ay seryoso na ang batas ay hindi lamang sa mga inabuso kundi maging sa mga inaakusahan ng pang-aabuso; mahirap-mayaman ay walang sinisino

At pinalaya ayon sa pasya raw ng huwad na pangulo na ginawa ito upang magpakitangtao subalit ang hindi nila napagtanto na ang bagay na ito ay malinaw na nakapagsiwalat ng totoo

Totoong-totooo na si Erap ay kanilang ginagago hindi dahil mahina talaga ang kaniyang ulo kundi inabuso ang katapatan nito at pagiging makatotohanan sa lahat ng ginagawa nito Sapagkat si Erap ay nagsilbi ng totoo at babanatan niya ang mga paloko-loko kaya inunahan na siya ng mga ito

Sino sa mga tumatakbo ngayon sa pagkapangulo ang nagdanas na ng ganito di ba sila man ngayon ay inaakusahan ng kung anu-ano pero may nakagawa ba sa ginawa na ni Erap noon? Nagpakatotoo at hinarap ang mga ibinabato bumaba sa pwesto upang hindi magkagulo! Hindi lamang sa salita pinatunayan ito kundi maging sa bukas na buhay niya sa publiko

Ano pa ba ang maaring itago ni Erap sa puso kung ang tila pinakamasasakit at malupit na pagtrato ay naranasan na nito ? Naniniwala akong sapat na sapat ang kaniyang pagkatao upang patunayang siya ay maglilingkod ng totoo! Kung sa edad niyang naabot ay magpaloko-loko pa ito anumang oras si Erap ay maari’t madaling maglalaho dahil hindi tayo magpapaloko

Ngunit ang mga karanasang kaniyang nahango ay sapat upang siya ay muling maging pangulo dahil ang buhay ni Erap ay pampubliko at hindi matatawaran ni matatapatan ng kalabang politiko


________________________________________
kinatha sa panahong bago maghalalan 2010
Lunes, Abril 12, 2010, 1:19:01 ng tanghali

ang akala mo lang ay hindi totoo

ang akala mo lang ay hindi totoo
ang nararamdaman ko para sa iyo
palagi mong sinasabing nanloloko
ngunit ang lahat ng ito ay totoo

dinadaan ko lamang sa pagbibiro
huwag mong isiping di nagseseryoso
sapagkat ang totoo ay nalaman mo
dahil sinabi ko na ito noon sa iyo

ikaw nga sa wari ang hindi seryoso
tinawanan mo nga ko ng marinig mo
ang sabi mo pa hindi ako matino
ang akala mo lang ay hindi totoo

kaya naman ako ay biglang nagbago
hindi ka na lang basta bigla kinibo
napansin mong hindi na ko nagbibiro
kaya lumapit ka at tinanong ako

ano at bakit ba ginaganyan ako
may nagawa ba ako na hindi gusto
naluluha ka na tinatanong ako
masama ang loob sa ginagawa ko

kasunod ang patak ng isang luha mo
na agad-agad namang pinahiran mo
yumuko at naghihintay ng sagot ko
hanggang tuluyan ng umiyak ng husto

ito ay hindi nakaya ng puso ko
na makita kang lumuluha at may siphayo
niyakap ka at ibinulong sa iyo
"mahal kita"
ang akala mo lang ay hindi totoo


_____________________________________
Huwebes, Nobyembre 26, 2009 nang 8:37 ng gabi

The love that I have, but you never mind

Sooner or later you will be mine
Wishing I could race against time
Here in my heart you’ll always find
The love that I have, but you never mind

You often say I’m out of my mind
And believed that love is not blind
But time will come and you will find
The love that I have, but you never mind

Before it’s too late I hope you accept
I don’t want you to make a mistake
Once it’s lost, it’s hard to find
The love that I have, but you never mind

____________________________
November 26, 2009 / 12:43 PM

minahal at hindi kailanman nilimot

Ang International Christian Academy o ICA kung tawagin ng mas marami ay isang paaralang may malinaw na pangitain (vision) at misyon (mission) na nais marating.
Nakasulat ito at nakapaskil sa dingding ng mga silid-aralan, mga opisna at pader ng paaralan upang palagi tayong paalalahanan sa kung ano ang minimithi ng paaralan.

Bibihirang paaaralan ang sa katotohanan na tuwing flag ceremony ang mga mag-aaral ay parang nagdarasal sa tuwing ilalahad ang memoryadong vision at misyon ng eskwelahan.
“Para ano, makatuturan ba ito? Bakit kailangan nating gawin ito? Sa totoo’y nakakabato” Iyan marahil ang tanong nang ilang matanong subalit hindi iyan ang mahalagang tanong.
“Ano ba ang naitutulong nito sa tuwing ginagawa ito sa pag-abot ng visyon at misyon?”

Nakatutulong ito sapagkat sa tuwing sinasabi nila ito ay kanilang natatanto na ang paaralan pala ay may visyon at layuning ganito hanggang sa maitanim sa isip nila iyon at palagi na nilang maaalala ang mga sinasabi doon at magiging gabay nila sa kanilang edukasyon.

Magulang, kanilang mga anak at guro sa paaralan. May hihigit pa ba sa tatlong ito sa isang paaralang kaya nga tinawag na paaralan ay upang dito mapag-aral ang mga anak nitong magulang na nagtitiwala sa kakayanan ng mga gurong magtuturo sa paaralan. Sila ang tatlong may mahahalagang papel na ginagampanan sa pagbuo ng isang paaralan.

Katungkulan ng mga magulang na papag-aralin ang mga anak sa isang mabuting paaralan samantalang nasa mga anak ang responsibilad na matuto at mag-aral mula sa mga ituturo ng guro sa paaralan na tumatayo bilang kanilang pangalawang mga magulang na may pananagutan sa kung ano man ang kanilang kahihinatnan sa loob ng kanilang paaralan.

Mahal natin ang ating paaralan at naniniwala tayo sa kanyang mga patakaran. Na ang Diyos ang unang dapat sa lahat ay batayan ng kagalingan, karunungan at kabanalan ng mga mag-aaral. Kaya nagtitiwala ang mga magulang na nagpapaaral sa ating paaralan.


Mangyayari ba ito kung walang ang mga gurong handang maglaan nang kanilang mga nalalamang paraan na batay rin sa paniniwala ng paaralan na turuan sila sa tamang daan. Mga gurong silang may mga kakayahan sapagkat ang Diyos rin ang sa kanila’y naglaan ng pagkakataong maging bahagi ng paaralan sila ang unang tagapagtaguyod ng bisyon at misyon nitong ating eskwelahan na sa awit sinasabi nating “Diyos ang sa atin’y naglaan.” “Dear ICA, God’s precious gift for us.”

Mga guro kayo ang hinirang na magturo kayo ang gabay ng mga mag-aaral sa pagkatuto. Hindi man kayo maging mga perpekto subalit laging hangad ninyo na maging epektibo. Sapagkat nababatid ninyo na kayo ang instrumento upang makamit ang mga pagbabago.

Kayo ang mga pinagkatiwalaang humubog sa mga kaisipang binubuo upang magkaroon ng matitino at matatalinong mag-aaral na magdadala sa mundo ng malalaking pagbabago.

Ang mga mag-aaral na sa kanilang paghayo ay may malilinaw na tinatanaw mula sa malayo na kung marating nila’y doon nga’y matatamo ang bunga ng visyon at misyong isinapuso --

Lumipas ang panahon at sila'y nagbalik sa paaralang kanilang tinangkilik,
at muling inawit ang himnong natitik (ICA hymn) sa puso nila ay naukit --

Subalit may lungkot nang kanilang hanapin mga guro nilang gusto sanang yakapin --
at pasalamatan sa anumang kanilang narating
natantong lumipas na ang maraming taon sa binalikang kahapon ay wala na roon

at bagama't nagpatuloy sa kanilang paghayo sa puso nila'y may munting siphayo

Ang 'di nila alam mula sa malayo nakatanaw sa kanila ang hinahanap na guro
nagpapasalamat sa Diyos, masaya ang puso't loob sa bagay na sa kanila'y ipinagkaloob
gusto man ding yakapin kung sana'y naroon pa rin nanatili na lamang na sa kanila'y tumingin

at saka bumulong ng dasal na taimtim
na lalo pang gabayan at pagpalain

ang mga mag-aaral at ang paaralang--

minahal at hindi kailanman nilimot



_____________________________
kinatha: marso 13, 2010
para sa minahal na paaralan at mga mag-aaral
mababasa rin ito sa aking mga tala sa:
facebook.com/ryanbdelacruz28

"ILANG TULOG NA LANG"



"Ilang tulog na lang!" (ang bukambibig ng batang may hinihintay)... "Ilang tulog na lang..."

Ilan sa inyo ang nagsasabi rin ng ganito kapag ang inyong hinihintay ay papalapit na ng papalapit...

Aaminin ko 'nung bata ako ay sinasabi ko rin ito at kung minsan nga hanggang ngayon ay nasasabi ko pa rin ito.

Masaya hindi ba ang pakiramdam na papalapit na ng papalapit ang iyong hinihintay? Ilang tulog na nga lang ay haharapin na ninyo ng may pagmamalaki at may karangalan ang Araw ng Pagtatapos.

Parang kailan lang

ang tatlong taon sa pre-school + tatlong taon sa primary + apat na taon sa middle school + apat na taon sa high school plus

ilang tulog na lang...

Nawa'y sa inyong lahat na nananabik na sa pinakahinihintay na araw ng inyong pagtatapos ay silangan kayo ng panibagong sigla sa inyong mga puso at isipan sa araw na iyon at sa araw-araw pagkatapos ng masayang araw na iyon. Uhawin pa ninyong patuloy ang inyong mga sarili sa edukasyon' isang pagkauhaw na lalong humahangad sa karunungang magdadala sa inyo sa mas matatayog na pangarap na magaganap sa pagsisimula ng buhay ninyo sa kolehiyo - ang bagong tahanan ninyo.

P.S...Ito'y munting pakiusap na kung inyong tugunan ay maraming salamat

> Na huwag sanang kalilimutan ang mabubuting aral na inyong kinamulatan at natutunan sa ating paaralan.

> Na kahit na may mga naging pagkukulang ay matutunan ninyong punan ang kaniyang mga naging kakulangan

> Na iukit sa inyong puso't matalinong isipan na kailanman saan man at anuman ang inyong maging kapalaran - -

na ang paaralang minsang inyong tinahanan ay itinuturing kayong mahalagang kayamanan magpakailanman...

SA INYONG LAHAT...

ILANG TULOG NA LANG! ILANG TULOG NA LANG!!!

___________________________________
"ILANG TULOG NA LANG"
para sa seniors 2008 ng International Christian Academy
nalikha: Marso 13, '08 / 12:28ng umaga

Araw ng Kagitingan



kahanga-hanga mga bayaning naturingan
sa ating kasaysayan sila’y papurihan
ginawa nila ay hindi matatawaran
para sa bayang kanilang ipinaglaban

subalit natanaw kanilang libingan
puntod na may lumot at talahiban
tila nalimot nang balikan
wala ng dumadalaw sa ulilang himlayan

biglang nagbalik sa ala-ala
sa panahong sa mga hapon sila’y nakipagbaka
itinaya ang buhay sa ngalan ng paglaya
hindi alintana kung masawi at mawala

at nagtagumpay sa kanilang ninasa
nakamit ng bansa ang maging malaya
bunga ng kanilang buhay na itinaya
ilan man sa kanila’y nasawi’t namayapa

ngayon ay inaalala sa ating bansa
araw ng kagitingan nitong mga aba
tinuringan silang bayani ng madla
ngunit paano mo sila dinadakila

buhay ba nila’y kinikilala pa
ano pa sa iyo ang kanilang halaga
bahagi pa ba sila ng iyong pagkamakabansa
o kwento na lamang sa librong nabasa

ang araw na ito’y inilaan sa kanila
upang kilalanin natin sila
kailanman ay huwag sanang iwaglit sa gunita
kagitingan nilang ipinakita

sa bataan at sa iba pang panig ng ating bansa
mataas ang kanilang naging adhika
upang ang bayan ay maging malaya
mabuhay ang dakilang kagitingan nila




___________________________
Araw ng Kagitingan

Biyernes, Abril 09, 2010 nang 12:39 ng umaga