"Isinilang ako sa sangmaliwanag noong taong isang libo't siyam na raan pitumpu't pito at dito sa mundo'y naging ako." Tatlumpu't tatlong taong gulang na ako.
Julio veintiocho ng ako ay isilang.Muli akong sumapit sa aking kaarawan. Ngunit ang araw na iyon ay hindi naiba sa karaniwan at para lamang ordinaryong araw na nagdaan.
Sa pagsapit ng ikalabindalawa sa aking orasan ay gising pa ako't nagkokompyuter sa aking silid tulugan. Hindi inaantok, nakaonline sa Facebook, nagbabasa, nagsusulat. Sumapit ang ika-1,2, 3, 4 hanggang 5 ng madaling araw marahil sa haba ng aking itinulog sa sinundang araw kaya gising na gising pa ako madaling araw na't kaarawan ko, tatlumpu't tatlong gulang na ako. Paisa-isa muna hanggang sa paparami ng paparami ang mga bumabati,sa text at Facebook isa-isang nagpahatid.
Naging ugali ko na ang magdasal kahit anong oras ko itong maisipan kahit may ginagawa ay natitigilan, luluhod pa kung kinakailangan sa panahong bagabag ang nararamdaman gaya noong aking kaarawan.
Kung bakit at ano ang mga dahilan ay hindi pa handang ngayon isulat ang aking mga nais na isiwalat mga karanasang binalikan sa isipan at sa puso'y muling naramdaman. Mula veintiocho julio taong isang libo't siyam na raan pitumpu't pito hanggang kasalukuyan.
________________________________
kinatha: Huwebes, Agosto 5, 2010